Platinum Group Metals Corporation, binigyan ng pinakamataas na mining award ng DENR

Platinum Group Metals Corporation, binigyan ng pinakamataas na mining award ng DENR

BINIGYAN ng Presidential Mineral Industry Environmental Award ang Platinum Group Metals Corporation (PGMC) para sa Surface Mining Operation Category.

Pangalawang beses na itong nakuha ng PGMC, ang Surigao-based operating arm ng Global Ferronickel Holdings Inc.

Ito ang pinakamataas na award na ibinibigay sa isang mining company ng Department of Environment and Natural Resources at Philippine Mine Safety and Environment Association.

Ang isang mining company ay napaparangalan nito dahil sa mahusay na paraan nila tungo sa pagpoprotekta ng kalikasan sa kabila ng pagmimina.

Follow SMNI NEWS in Twitter