Players ng Alas Pilipinas Women, ibabalik sa kanilang mother teams ngayong Agosto—PVL

Players ng Alas Pilipinas Women, ibabalik sa kanilang mother teams ngayong Agosto—PVL

IBABALIK sa kanilang mother teams ang 12 natitirang volleyball players ng Alas Pilipinas Women pagdating ng Agosto 11.

Kasabay ito ng pagtatapos din ng magiging leg 2 ng Southeast Asian V. League sa Thailand ayon kay Premiere Volleyball League (PVL) President Ricky Palou.

Sa kasalukuyan, ang nasa roster ng Alas Pilipinas Women ay sina Bella Belen, Jema Galanza, Faith Nisperos, Arah Panique, Angel Canino, Fifi Sharma, Dell Palomata, Thea Gagate, Julia Coronel, Dawn Macandili-Catindig, Cherry Nunag, Vanie Gandler, Sisi Rondina, at Jia de Guzman.

Sina Eya Laure at Jennifer Nierva ay nauna nang bumalik sa mother team nilang Cherry Tigo bago pa nagsimula ang FIVB Volleyball Challenger Cup noong Hulyo 4.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble