Players ng La Salle at Adamson University, nangunguna sa 2024 PVL Rookie Draft

Players ng La Salle at Adamson University, nangunguna sa 2024 PVL Rookie Draft

NANGUNGUNA sa may pinakamaraming napiling manlalaro sa unang round ng 2024 PVL Rookie Draft ang dalawang malalaking unibersidad sa Pilipinas na De La Salle University at Adamson University.

Sa unang 12 pinili ay pasok mula sa De La Salle University sina Thea Gagate, Leila Cruz, Julia Coronel, at Maicah Larroza.

Ang mga nagmumula naman sa Adamson University ay sina Lucille Almonte, Ishie Lalongisip, Angelica Alcantara, Karen Verdeflor, at AA Adolfo.

Samantala, mula sa University of the Philippines ay sina Stephanie Bustrillo, Lorraine Pecaña, at Aleah Torres ang pasok sa 2024 PVL Rookie Draft.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble