PLANONG magsimula sa isa pang tower sale at bibilhin ang broadband business ng Sky Cable ang PLDT Inc. ayon sa isang Fitch unit.
Ito ay makatutulong upang makalikom ng pera para sa paggasta ng kapital at pagbabayad sa utang ng nasabing kompanya.
Ang pagbili sa Sky Cable ay isang ‘net credit positive’ kung saan magiging karagdagang diskarte ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa cash-generative broadband na negosyo.
Samantala, kamakailan ay inihayag ng PLDT ang planong magbenta ng 1,012 na tower sa Tower Infrastructure Company na Frontier Towers sa halagang P12.1-B kung saan inaasahan na matatapos ang deal bago matapos ang taon.
Nagtapos ng trading up na 1.23% sa P1,322 bawat isa nitong Martes ang shares ng DTI.