PM Albanese, hindi makikialam sa kaso ni Julian Assange

PM Albanese, hindi makikialam sa kaso ni Julian Assange

TINANGGIHAN ng punong ministro ng Australia na si Anthony Albanese ang mga panawagan sa kanya na hilingin na ihinto ng Estados Unidos ang pag-uusig sa Wikileaks founder at Australian citizen na si Julian Assange.

Sa ngayon ang gobyerno ng Australia ay nasa ilalim ng tumataas na panggigipit na makialam mula noong iniutos ng gobyerno ng Britanya noong nakaraang linggo ang extradition ni Assange sa Estados Unidos sa mga kaso ng pag-eespiya.

Sinabi ng mga tagasuporta at abogado ni Assange na ang kanyang mga aksyon ay protektado ng konstitusyon ng US.

Tumanggi rin si Albanese na sabihin kung nakipag-usap siya kay Pangulong Joe Biden tungkol sa kaso.

Samantala, kasama sa mga tagasuporta ni Assange na nananawagan para sa pangingialam ng gobyerno ng Australia ang kanyang asawang si Stella Assange.

Ayon sa mga prosecutor sa Amerika tinulungan ni Assange ang intelligence analyst ng US army na si Chelsea Manning na magnakaw ng mga classified diplomatic cable at military files na inilathala kalaunan ng Wikileaks.

Follow SMNI NEWS in Twitter