OPISYAL na bumisita ngayong araw sa Singapore si Malaysia Prime Minister Anwar Ibrahim upang lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Malaysia at Singapore.
Ito ang unang pagbisita ng punong ministro sa Singapore matapos manumpa bilang ika-10 punong ministro ng bansa.
Aniya, ang kanyang pagbisita ay sumasalamin sa kahalagahan ng ugnayan ng Malaysian-Singapore sa pagitan ng mga tao at malakas na relasyon sa ekonomiya.
Bukod pa rito, sinabi rin ni Prime Minister Anwar na nagkaroon din sila ng pagkakataon na pag-usapan ang iba’t ibang isyu sa regional at international issue na may parehong interes.
Samantala, kasama ng punong ministro sa kanyang pagbisita ang kanyang asawa, foreign affairs minister, transport minister, international at trade industry minister at ilan pang opisyal ng kagawaran at ahensya sa bansa.