PM Ismail Sabri, bumisita sa Turkey

PM Ismail Sabri, bumisita sa Turkey

BUMISITA si Malaysia Prime Minister Ismail Sabri sa bansang Turkey para sa isang meeting session kasama ang ilang malalaking kumpanya sa Malaysia.

Dumating sa bansang Turkey si Prime Minister Datuk Seri Ismail Sabri Yaakob para sa apat na araw na meeting session kasama ang ilang malalaking kumpanya ng Malaysia.

Layunin ng pagpupulong na hikayatin ang Turkish companies na mag-invest sa Malaysia, gayundin ang pagpapatuloy ng pagsisikap ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan kabilang na ang digital banking technology at Islamic Finance.

Bukod dito, dumalo rin si Prime Minister Ismail Sabri sa maraming programa kabilang ang pagsaksi sa pagpapalitan ng ilang Memorandum of Understanding (MOU).

Nasaksihan ng punong ministro ang pagpapalitan ng MOU sa pagitan ng Universiti Malaysia Kelantan at ng dalawang Turkish universities – Karadeniz Technical University at Karabuk University, gayundin ang isang document of understanding sa pagitan ng Boustead Holdings Berhad at Great East Capital Bigli Teknologi Yatirimlari.

Binisita rin nito ang mga Malaysian na naninirahan sa Turkey.

Ipinunto niya na ang inflation rate sa Turkey ay pumalo sa 78%, ang pinakamataas sa loob ng 24 na taon, kumpara sa 2.8% ng Malaysia.

Aminado ang mga Malaysian na naninirahan sa bansa na apektado sila ng inflation rate dahil ang mga gastos sa transportasyon, pagkain at mga gamit sa bahay ay dumoble sa kasalukuyang taon.

Gayunpaman, sa apat na araw na pagbisita ni Prime Minister Ismail Sabri sa Turkey ay kanyang nabatid ang ipinagkaiba ng Malaysia sa ilang mga bansa ay ang subsidy rate na ibinibigay ng gobyerno.

Follow SMNI News on Twitter