PM ng New Zealand na si Ardern, inanunsyo ang pagbibitiw nito sa puwesto sa susunod na buwan

PM ng New Zealand na si Ardern, inanunsyo ang pagbibitiw nito sa puwesto sa susunod na buwan

INANUNSYO ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na magbibitiw na ito sa kanyang puwesto sa susunod na linggo.

Ayon kay Ardern, para sa kanya, panahon na para lisanin ang kanyang puwesto at wala na rin aniya siyang maibibigay pa para sa susunod na 4 na taon.

Sa una nitong public appearance simula nang summer recess ng parliament noong nakaraang buwan, sinabi ni Ardern na umasa siyang makakahanap siya ng enerhiya upang magpatuloy bilang lider ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya ito nagawa.

Kinumpirma ni Ardern na ang resignation nito ay hindi lalagpas ng February 7 at pagbobotohan ng labour caucus ang bagong lider sa January 22.

Sa huli ay sinabi ni Ardern na magbibitiw siya sa kanyang pribilehiyong trabaho ay may kalakip din malaking responsibilidad- responsibilidad na malaman kung ikaw ang tamang tao para mamuno, at responsibilidad upang malaman kung hindi. New Zealand

Follow SMNI NEWS in Twitter