DINAGSA ng libu-libong estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad sa North Luzon na nais pumasok sa military service sa bansa.
Ginanap ito sa Northern Luzon Command (NolCom) Multi-purpose Hall noong Setyembre 30 at Oktubre 1, 2023, sa Camp Aquino, San Miguel, Tarlac City.
Personal na pinasalamatan ni NolCom Commander Lieutenant General Fernyl G. Buca, PAF, ang mga kabataang gustong maging bahagi ng paglilingkod sa bansa partikular na sa pagsuporta sa mandato ng militar na protektahan ang mamamayan at ang estado.
Ang mga makapapasa sa nasabing pagsusulit ay muling dadaan sa iba’t ibang uri ng pagsasanay sa pisikal, sikolohikal academic trainings sa ilalim ng pangangasiwa ng prestihiyosong akademiya sa bansa.
Batay sa kasaysayan, itinatag ang Philippine Military Academy (PMA) noong 1905, at mula rito, itinuring ang PMA bilang isa sa mga batayan at pundasyon ng isang dekalidad na public servant sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas at maging sa government office.