PMAAAI nananawagan ng pagkakaisa laban sa korapsiyon

PMAAAI nananawagan ng pagkakaisa laban sa korapsiyon

MATINDI na ang korapsiyon sa pamimigay ng ayuda ng mga iilang miyembro ng Kongreso, at halos wala na silang nararamdaman sa paghihirap ng karamihan ng Pilipino.

Ito ang sinabi ni Benjamin Magalong, mayor ng Baguio City sa isang media interview.

Si Mayor Magalong ay alumni ng Philippine Military Academy at isang retiradong police general.

Ang pahayag na ito ni Magalong ay suportado ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. (PMAAAI).

“’Yung corruption ay talagang prevalent. As described by General Magalong, maraming maraming nawawala sa funds instead na pupunta sa project, napupunta sa mga other persons, other. Hindi napupunta lahat sa project,” pahayag ni Raul Gonzales, Ret. Gen., Chairman, PMAAAI.

Sa panayam sa SMNI News, iginiit ni Magalong na mga tao mismo sa ground ang nagsusumbong sa kaniya sa isyu ng corruption.

Nanindigan naman ang PMAAAI sa matindi nilang pagtutol sa korapsiyon. Ang mensahe nila sa mga Pilipino.

The organization will be against corruption which is in turn in support to the announcement of the President that he is against corruption. So we are supporting ‘yung stand ng government, stand ng President against corruption,” pahayag ni Gonzales.

We encourage ‘yung Pilipino to go against corruption. They should not tolerate the corruption. Especially those who are involved to government projects. They should not tolerate corruption. Kasi instead na sa progress mapupunta, mapupunta na lang sa ibang tao,” saad pa ni Gonzales.

Follow SMNI NEWS on Twitter