PNP, AFP hindi exempted sa drug at neuro test

PNP, AFP hindi exempted sa drug at neuro test

UMAARAY ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa kumakalat na video na nagsasabing sila ay exempted o walang kinalaman sa drug at neuropsychiatric test.

Sa isang panayam ng media sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Spokesperson at concurrent Police Regional Office 3 Director PBGen. Jean Fajardo na walang katotohanan ang impormasyong kumakalat at edited aniya ang nasabing video.

Hindi po totoo na wala nang drug test. Alam naman po natin na ang mga uniform services po ay regular ang drug test,” pahayag ni PBGen. Jean Fajardo, PNP Spokesperson/Concurrent Police Regional Office 3 Director.

Matatandaang marami ang napataas ang kilay sa diumano’y pag-exempt sa pulis na sumailalim sa drug test gayong hindi na bago sa PNP na may mangilan-ngilan sa mga miyembro nito ang napatunayang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nauuwi ito sa pang-aabuso sa kapangyarihan, pananakit, mga pamamaril, at iba pang uri ng krimen dahil sa impluwensiya ng ilegal na droga.

Bagamat nauna nang sinabi ng PNP na isolated cases lamang ang mga ito at hindi ang buong PNP organization ang gumagamit ng ilegal na droga.

Pero naging malaking usap-usapan ang tila paliwanag noon ni PNP Chief General Rommel Marbil ngunit kalaunan ay binawi rin ng opisyal.

Ito’y kaugnay sa pagdepensa nito sa mga drug user na hindi naman aniya sila mga adik kundi kinakailangan lang gumamit ng ilegal na droga bilang pampalakas ng enerhiya laban sa pangmatagalang trabaho kasama na ang mga nakaduty na pulis.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble