PNP, AFP wala pang pahayag sa diumano’y pagtatanggal ng security details kay VP Sara Duterte

PNP, AFP wala pang pahayag sa diumano’y pagtatanggal ng security details kay VP Sara Duterte

HANGGANG sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa umano’y tuluyang pag-aalis ng lahat ng security details ni Vice President Sara Duterte.

Kasunod ito ng kumalat na impormasyon, diumano’y isang kasunduan sa pagitan ng PNP at AFP ang pag-aalis ng Vice Presidential Protection and Security Group kung saan mismong ang hepe ng AFP ang magsisilbing pinuno nito.

Tugon din anila ito sa unang pahayag ni VP Sara na mayroon siyang mga natatanggap na banta sa seguridad nito.

Bukod sa PNP at AFP, wala pang pahayag ang tanggapan ng pangalawang pangulo hinggil sa isyu.

Matatandaan, inalisan din ng security details noon si VP Sara na aabot sa 75 at kalauna’y ibinalik rin ito ng PNP.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble