PNP, agad na isasapubliko ang mga opisyal ng PNP na abswelto sa iligal na droga

PNP, agad na isasapubliko ang mga opisyal ng PNP na abswelto sa iligal na droga

NANGAKO ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na agad silang maglalabas ng listahan ng mga 3rd level officers na maabswelto sa isyu ng iligal na droga.

Ito ang kinumpirma mismo ni PNP chief police General Rodolfo Azurin Jr. matapos nitong pangunahan ang paghahain ng courtesy resignation nitong Huwebes.

Kasunod ito ng panawagan sa kanila ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. para patunayang malinis sila sa anumang iligal na gawain lalo na sa illegal drug trade.

Ayon sa heneral, pangungunahan mismo ng bubuuing M5 Man Committee ang pagpapalabas ng resulta ng kanilang pagsisiyasat sakaling mapatunayan ang mga heneral at colonel na may kinalaman ang mga ito o wala sa transaksiyon sa iligal na droga.

Tanging hiling lang ng heneral na pagkatiwalaan ang komiteng ito na tiniyak din ng Department of Interior and Local Government (DILG) na walang halong politika at gagawin ang trabaho nang maayos at may integridad.

Follow SMNI NEWS in Twitter