PNP at AFP, sinelyuhan ang kanilang katapatan sa Pangulo sa isinagawang New Year’s call sa Malakanyang

PNP at AFP, sinelyuhan ang kanilang katapatan sa Pangulo sa isinagawang New Year’s call sa Malakanyang

MULING nagpakita ng kanilang katapatan ang dalawang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ito’y matapos na dumalo ang matataas na opisyal ng AFP at PNP sa New Year’s Call sa Malakanyang nitong araw ng Miyerkules, Enero 17, 2024.

Pinangunahan ni AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr. at PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang pagbisita sa Pangulo.

Kasama ni Brawner ang command group nito na binubuo nina LtGen. Roy Galido, Commanding General ng Philippine Army, LtGen. Stephen Parreño, commanding general ng Philippine Air Force at Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Toribio Adaci, Jr.

Habang nakasama rin ang command group ng PNP na sina Deputy Chief for Administration LtGen. Rhodel Sermonia, Deputy Chief for Operations LtGen. Michael John Dubria, Deputy Chief for Directorial Staff LtGen. Emmanuel Peralta.

Sa kabila ng umuugong na isyu ng destabilisasyon, tiniyak ng dalawang ahensiya na mananatiling solido ang kanilang hanay para suportahan ang Pangulo at sa pagbibigay seguridad sa mamamayan at buong bayan.

Follow SMNI NEWS on Twitter