TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) chief General Benjamin Acorda, Jr. na nakaalerto ang buong hanay nito sa ika-55 anibersaryo ng CPP NPA sa bansa.
Ayon kay Acorda, mananatili silang nakaalerto at hindi hahayaan na makalusot ang mga kaaway sa nasabing selebrasyon.
Giit ng pulisya, hindi sila magpapakakampante dahil sa katusuhan ng mga miyembro ng CPP NPA kahit noong unang panahon pa.
Inaasahan ang mga aktibidad ng CPP NPA sa iba’t ibang panig ng bansa pero nauna na itong kinokondena ng mga komunidad dahil sa mga pang-aabuso sa mga pamilya, mga kabataan at pangloloko na ginagawa nito sa bansa.