PNP, bubuo ng special task group na tututok sa mga reklamo laban sa KAPA Community Ministry

PNP, bubuo ng special task group na tututok sa mga reklamo laban sa KAPA Community Ministry

  • BONUS OFFER

 

BUBUO ang Philippine National Police ng special task group na tututok sa mga biktima ng umano’y investment scam ng KAPA Community Ministry International.

 

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, nais nilang matulungan ang mga biktima na hindi alam kung saan lalapit.

 

“We will just create a special task group purposely first, to take care of all the complainants and possibility of facilitating their claims. This is a legal procedure. Para naman anyway nasa atin naman si Apolinario, we just put things in order,” ayon kay Gamboa.

 

Kabilang sa tutukuyin ng special task group ay ang properties at bank accounts ng KAPA at ang lehitimong claimants.

 

Kahapon, naaresto si KAPA founder Joel Apolinario at 23 tauhan sa Surigao del Sur.

 

Nasamsam din dito ang samu’t saring high-powered firearms.

 

Matatandaan na sinampahan ng kasong kriminal ang mga opisyal ng KAPA kaugnay ng paglabag sa RA 8799 o Securities Regulation Code (SRC).

 

Kinukumbinse ng grupo ang isang tao na mag-invest ng kahit 10, 000 piso sa organisasyon kapalit ang 30% monthly return.

 

SMNI NEWS

 

One thought on “PNP, bubuo ng special task group na tututok sa mga reklamo laban sa KAPA Community Ministry

Leave a Reply

Your email address will not be published.