PNP Caraga Region, natatanging babaeng pulis kinilala

PNP Caraga Region, natatanging babaeng pulis kinilala at pinarangalan ng PNP Caraga dahil sa serbisyo ng mga ito sa panahon ng pandemya.

Kasabay ng pagsisimula ng pagdiriwang ng Women’s Month, kinilala ng Philippine national Police Caraga Region ang mga natatanging babaeng pulis. Atin silang kilalanin.

Mga natatanging babaeng pulis ginawaran ng parangal ng PNP Caraga Region dahil sa hindi matatawarang serbisyo sa bayan.

Mismong si Police Regional Office 14 Director Police Brigadier, General Romeo M. Caramat, Jr., Regional Director ng PRO13, ang nanguna sa pagpaparangal. 

  • Kabilang sa mga tumanggap ng mga parangal ay sina:

Police Senior Master Sergeant Rowena D. Lozano Ng Tandag City Police Station na nagpaabot ng tulong sa mga bakwit sa Jacinto P. Elpa National High School sa pananalasa ng bagyong Auring;

  1. Police Staff Sergeant Queennilie L. Obongen Ng Trento Municipal Police Station para sa pagpapaabot ng tulong sa isang nakatatandang nahihirapang maglakad papunta sa Barangay Hall Ng Brgy. Basa, Trento, Agusan Del Sur;
  2. Police Staff Sergeant Rinalyn R. Butal at Patrolwoman Mayflor M. Vidal ng San Luis Municipal Police Station na inalagaan ng mabuti ang isang 9 na buwan na anak ng dating dinakip, at nagkaloob ng mga gamit at mga Hygienic na materyales sa bata;
  3. Police Corporal Jonalyn V. Nanol ng Butuan City Mobile Force Company, isang Rehistradong Nurse, na tumulong sa isang outpatient na sanggol na may gamot sa bahay;
  4. Patrolwoman Yvonne Sarsale Ng Loreto Municipal Police Station Sa Lalawigan ng Dinagat Islands, na nagbigay ng pagkain sa isang Senior Citizen sa Brgy. Cuarinta, San Jose, Dinagat Islands;
  5. Patrolwoman Maricel A. Muñoz ng Barobo Municipal Police Station, na nagbigay ng tulong at nagbigay ng kamay sa isang mag-asawang nagmotorsiklo sa pagdadala ng kanilang mga paninda;

Nagpaabot din ng pasasalamat at pagbati si PNP General Debold Sinas sa lahat ng babaeng pulis sa buong bansa ngayong Buwan ng Kababaihan.

 

SMNI NEWS