PNP Chief Azurin, nakahanap ng kakampi sa isyu ng 990 kilo ng shabu cover-up

PNP Chief Azurin, nakahanap ng kakampi sa isyu ng 990 kilo ng shabu cover-up

NANINIWALA si dating Police General ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na walang nangyaring cover-up sa ginawang operasyon ng pulisya kung saan nasabat ang may 990 kilo ng shabu sa Maynila, Oktubre 2022.

Sa panayam kay Magalong, sinabi nito na kilala niya si Azurin at nasundan niya ang karera nito sa panahon ng kaniyang serbisyo bilang pulis.

Maliban kay Azurin, idinepensa ni Magalong sina dating PNP Deputy Chief for Operations P/LtG. Benjamin Santos at PNP Drug Enforcement Group Director P/BGen. Narciso Domingo.

Magugunitang mismong si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin Abalos, Jr. ang nagsabing nagkaroon ng malawakang cover-up sa naturang operasyon at nagmula ito sa pinakamataas na pinuno ng PNP.

Pero ayon kay Magalong, naniniwala siyang nasa moral ground sina Azurin, Santos gayundin si Domingo at nagsasabi lang siya ng totoo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter