PNP Chief Benjamin Acorda, hindi pa magpapatupad ng balasahan

PNP Chief Benjamin Acorda, hindi pa magpapatupad ng balasahan

MANANATILI muna sa kani-kanilang puwesto ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) kabilang ang command group.

Ito ang tiniyak ni PNP chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. sa pulong balitaan sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon kay Acorda, hindi pa niya naiisip ang balasahan sa kanilang hanay pero gagawin  ito alinsunod sa umiiral na patakaran at polisiya ng PNP.

Katulad aniya ng sinabi niya sa assumption speech, ang promosyon at assignment ng mga opisyal ay ibabase sa kanilang merito, kakayahan at moral ascendancy.

Nabatid na binuo ang kasalukuyang command group nina PNP deputy chief for administration Police Lt. General Rhodel Sermonia, PNP deputy chief for operations Major General Jonnel Estomo at chief of the directorial staff Police Lt. General Michael John Dubria na itinalaga sa panahon ni dating PNP chief PGen. Rodolfo Azurin, Jr.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter