PERSONAL na dinaluhan ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. ang pagdiriwang ng 122nd Police Service Anniversary ngayong taon.
Mainit na sinalubong si General Acorda ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PBGen. Melencio Nartatez, Jr. sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Magsisilbing guest of honor and speaker si Acorda para sa nasabing selebrasyon para himukin at pasalamatan ang mga kapulisan sa mga natatanging pagganap ng kanilang tungkulin sa ngalan ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Bahagi ng selebrasyon ang pagkilala sa lahat ng mga magagandang nagawa ng PNP lalo na sa pagtataguyod ng kapayapaan sa mga komunidad sa bansa mula sa iba’t ibang aktibidad na ginanap sa bansa na pinangunahan ng PNP.