PNP chief Eleazar, iniutos ang pag-iimbestiga sa pagpaslang sa frat leader sa Cebu City

PNP chief Eleazar, iniutos ang pag-iimbestiga sa pagpaslang sa frat leader sa Cebu City

INIUTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa Cebu City police na magsagawa ng imbestigasyon sa frat leader na pinaslang noong nakaraang linggo.

Ang pinaslang na leader ay nakilalang si Richard Buscaino ng Alpha Kappa (Akhro) ng  Fraternity sa Central Visayas Chapter at dating barangay Calamba, Cebu City councilor.

Noong 2018 ay nakakatanggap na ito mga death threats ngunit nakaligtas naman sa mga banta.

Dagdag pa ni Eleazar na inaasahan niya na ang lokal na pulisya ay magsasagawa ng isang background check ukol sa mga natatanggap na death threats bago pa man pinaslang ito sa kahabaan ng Tres de Abril Street sa Barangay Calamba.

Kaugnay nito, nakikiramay si Gen. Eleazar sa pamilya ng napaslang na biktima at nangakong imo-monitor ang progreso ng imbestigasyon.

“Bukod sa maraming maaaring motibo sa pagpaslang kay Buscaino ay dati na itong nakakatanggap ng banta sa kanyang buhay at nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kanya noong 2018. I would like to assure Buscaino’s family that the PNP will not leave any stone unturned and we will not stop until we bring the perpetrators to justice,” ayon kay Gen Eleazar.

Hinikayat din niya ang mga tao na may kinalaman sa pagkamatay nang nasabing frat leader at tulungan ang awtoridad na maresolba ang kaso.

“Nananawagan din tayo sa mga nakasaksi sa insidente o kaya’y may hawak na impormasyon sa pangyayari na makipagtulungan sa kapulisan para sa agarang ikalulutas ng kaso at ikadarakip ng mga salarin,” panawagan ng PNP chief.

 

SMNI NEWS