PNP Chief Gen. Sinas, nabawasan ng 55 lbs ang timbang sa loob ng anim na buwan

IBINUNYAG ni PNP Chief General Debold Sinas na nabawasan siya ng 55 lbs na timbang sa huling anim na buwan.

Ayon kay Sinas, sa loob ng anim na buwang mahigpit na diyeta ay nabawasan ang kanyang timbang ng 55 pounds.

“Yes for the last six months 55 pounds na ang bumaba. Hindi ba halata? 306 to 247 ang ideal ko is 215 to 220 with my height,” ayon kay Sinas.

Sinabi ni Sinas na mayroon siyang weight reduction program na tinawag na “Oplan Chubby Anonymous” para sa mga matatabang pulis.

Layunin ng programa na mabigyan ng paunang tulong ang 20 na mga boluntaryong pulis na makatatanggap ng weight loss pills.

“Kasi may isa kaming kompanya nag offer ng weight loss pills hindi ko lang sabihin yung pangalan at (nag-go) naman ang mga doctors namin at tuturuan sila tingnan namin kung may effect kasi kung may effect, then yun ang itutuloy,” ayon kay Sinas.

Sinabi rin ni Sinas na mayroon silang polisiya sa physical fitness ng mga opisyal na pulis na aniya ay kailangang maging fit sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

“Kasi yung akala kasi nila nung ako nag Chief PNP, tatanggalin ko, sabi ko hindi. Sumunod ako sa policy kaya ako nagpapayat so ibig sabihin kapag kinaya ko, kayanin din nila,”aniya pa.

Umaasa naman si Sinas na sa pamamagitan ng kanyang weight reduction program ay makapaghikayat siya ng mga matatabang pulis na gawin din ito sa kanilang sarili.

“As long as I am your chief PNP. Nakita niyo naman talaga so hopefully, they will be encouraged. Sa akin, if you could make a small dent, happy na ako doon and hopefully they will continue their weight reduction program,” dagdag ni Sinas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.