BALIK-trabaho na si Philippine National Police o PNP Chief Police General Debold Sinas ngayong araw, Marso 25.
Matatandaang Marso 11 nang sumailalim sa quarantine si Sinas matapos magpositibo sa COVID-19.
(BASAHIN: PNP Chief Sinas, nagpositibo sa COVID-19)
Sa Kiangan Treatment Facility sa Camp Crame naman nai-isolate ang PNP Chief.
Samantala, sa pagbabalik-trabaho ni Sinas ay nakipagpulong na rin ito sa kanyang hanay para sa ilang updates gaya ng COVID-19 at sa kasalukuyang ipinatutupad na NCR+ bubble.
Nais mabakunahan kontra COVID-19 ang mga JTF-COVID shield personnel
Samantala, maliban sa mga medical frontliners ng Philippine National Police, nais din ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na mabakunahan kontra COVID-19 ang lahat ng mga personnel ng Joint Taks Force COVID-Shield.
Ani Sinas, dapat isali ang mga ito sa priority list sapagkat ang mga ito ang nagbabantay sa mga checkpoint sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o NCR Plus.
Dagdag pa ni Sinas, merong ginawang 61 quarantine control points sa loob ng NCR Plus ang PNP upang maiwasan ang paglabas-masok ng mga unauthorized person.
Samantala, nasa 3,652 PNP personnel ang naka-deploy ngayon sa 61 QCPS in the ‘NCR Plus’
Sa ngayon, nasa 2,677 na mga PNP personnel ang nabakunahan na kontra COVID-19.