PNP Chief Guillermo Eleazar, bumisita sa Baguio City

PNP Chief Guillermo Eleazar, bumisita sa Baguio City

MAINIT na sinalubong ni PCol. Glenn Lonogan at ng mga Baguio City Police Office (BCPO) personnel si Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar sa kanyang naging pagbisita sa Baguio City.

 

Kasabay ng pagsalubong ay ginawaran din ng Medalya ng Kagalingan ang mga BCPO personnel na nagpakita ng mahusay na gawain.

Kabilang sa mga nabigyang parangal sina PCpt. Rodolfo Serran, PLt. Filmore Pasiwen, PLt. Robert Velasco, PCpt. Floro Camora, Pat. Eugene Tumaru at Pat. Edmat Domyong.

Iniabot naman ni PNP Chief Eleazar ang kanyang pagbati sa lahat ng mga binigyan ng parangal.

Sa mga sumunod na araw ay ininspeksyon nito at ng kanyang mga kasamahan ang mga police stations kabilang na ang Camp Major Bado Dangwa sa La Trinidad, at ang Itogon Municipal Police Station.

Pinuri ni Eleazar ang pagpapatupad ng mga istasyon sa intensified cleanliness policy sa mga police stations sa rehiyon.

Bukod pa rito, sinaksihan din ng heneral ang pagsunog sa mga marijuana na nakumpiska mula sa mga operasyon na isinagawa ng Police Regional Office (PRO) Cordillera.

Sa huli ay binisita naman ni PNP Chief si Baguio City Mayor Benjamin Magalong para sa courtesy call.

BASAHIN: Production team ni Arjo Atayde, lumabag sa safety protocols sa Baguio City

                     Paglabag ni Arjo Atayde sa protocol ng Baguio City, pinaiimbestigahan

SMNI NEWS