PNP Chief Marbil, posibleng ma-extend hanggang pagkatapos ng 2025 elections

PNP Chief Marbil, posibleng ma-extend hanggang pagkatapos ng 2025 elections

SA isang panayam kay Pangulong Marcos Jr. posibleng mapalawig pa ang termino ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil hanggang sa matapos ang 2025 midterm election.

Ayon sa Pangulo, maaaring maapektuhan ang paghahanda sa halalan kung isasagawa ang pagpapalit ng bagong PNP Chief sa gitna ng election period.

Si Marbil ay nakatakdang magretiro sa February 7, ang eksaktong petsa ng 56 kaarawan nito na itinakdang mandatory retirement age sa Pambansang Pulisya.

“There is a very strong argument that it would be, it would not be good for stability especially to change the chief PNP in the middle of a campaign period and approaching an election period. So pinag-aaralan namin, but I think that is probably a very strong argument to keep him on. At the very least, until after the elections,” ani Pangulong Marcos.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble