PNP chief, nagbabala sa mga commander na hindi madidisiplina ang mga tauhan

PNP chief, nagbabala sa mga commander na hindi madidisiplina ang mga tauhan

MAHIGPIT na pinaalalahanan ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang mga police commander na disiplinahin ang kanilang mga tauhan.

Ito ay kasunod ng pag-aresto ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ng isang bagitong pulis na may warrant of arrest sa kasong kidnapping at rape.

Ayon kay Azurin, kinilala ang suspek na si Patrolman Jerome Ubaldo Arroyo, nakatalaga sa Manila Police District (MPD).

Maliban dito, may tatlong pulis din ng MPD ang nahuli dahil sa robbery extortion.

Sinabi pa ni Azurin na kung mabibigo ang mga commander na madisiplina, ang mga tauhan ng station o substation ang papalitan.

Follow SMNI NEWS in Twitter