PNP chief, nakipagpulong sa secretary general ng INTERPOL

PNP chief, nakipagpulong sa secretary general ng INTERPOL

NAKIPAGPULONG si PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. kay INTERPOL Secretary General Jürgen Stock sa sideline ng 24th Asian Regional Conference sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE).

Sa pulong ng dalawang opisyal, binigyang-diin ni Azurin na suportado ng PNP ang inisyatibo ng INTERPOL sa paglaban sa international crimes kabilang ang “seconding” ng police officers sa New York, Singapore, at France.

Tinalakay din ang paggamit ng biometrics sa mga pumapasok sa bansa bilang paraan upang mapahusay ang national security.

Kasabay nito, ibinida ni Azurin na ang Pilipinas ay isang ligtas na bansa para sa mga mamamayan at turista.

Samantala, tiniyak ng PNP Chief na patuloy nilang pinalalakas ang paglabag sa cybercrime sa pamamagitan ng PNP Anti-Cybercrime Group at iba pang programa upang maitaas ang kaalaman ng publiko laban sa krimen.

Follow SMNI NEWS in Twitter