PNP Chief, pinuri ang 3-minute response time ng QCPD kontra krimen

PNP Chief, pinuri ang 3-minute response time ng QCPD kontra krimen

PINURI ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang 3-minute response time ng Integrated Command Control Center (ICCC) ng Quezon City Police District (QCPD).

Ito ay kasabay ng pagbisita ni Acorda sa Camp Karingal sa Quezon City kahapon.

Mainit siyang tinanggap ni QCPD director Police Brigadier General Nicolas Dela Torre III kasama si NCRPO Regional Director Police Major General Edgar Alan Okubo.

Ayon kay Acorda, ang ICCC ng QCPD ay patunay na sinisikap ng Pambansang Pulisya na mapahusay ang kanilang paghahatid ng serbisyo sa publiko.

Nabatid na gumagamit ng state of the art technology ang ICCC ng QCPD upang makatugon sa mga natatanggap nilang ulat na may kinalaman sa krimen.

Sa ilalim ng pamumuno ni Acorda, paiigtingin ng pulisya ang kanilang kampanya kontra krimen bang bahagi ng maayos na serbisyo sa publiko.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter