PNP Chief Sinas, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas.

Ito ay kinumpirma ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sinas na dumating ang kanyang COVID-19 RT-PCR swab test results kaninang umaga, Huwebes.

Bago pa man ito, negatibo ang lahat ng kanyang mga nakaraang swab test kabilang ang resulta ng test noong Marso 9.

Asymptomatic pa rin aniya siya at walang nararanasang mga sintomas.

Nanawagan naman si Sinas sa lahat ng mga taong may direktang nakahalubilo nito na magpag-test at suriin ang sarili sa posibleng impeksyon.

Itinalaga namang officer-in-charge si Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Deputy Chief for Administration ng PNP, habang nagpapagaling ang PNP chief.

(BASAHIN: PNP Chief Gen. Sinas, nabawasan ng 55 lbs ang timbang sa loob ng anim na buwan)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.