PNP Chief Sinas, suportado ang paglilinis ng mga pulis

SUPORTADO ni Philippine National Police Chief Debold Sinas ang pagtatanggal ng mga tiwaling pulis sa pangunguna ng PNP- Integrity Monitoring and Enforcement Group.

Ito ang inihayag ni PNP-IMEG Spokersperson PMaj Mae Ann R Cunanan sa panayam ng SMNI News.

“Ang ating pamunuan sa PNP po ay seryoso po sa pagpapatupad ng internal cleansing ng PNP. Kami ay suportado talaga ng aming hepe ng pambansang polisiya si Police General Debold M. Sinas,” pahayag ni Cunanan.

Ani Major Cunanan, lahat ng unit ng PNP ay nagpapatupad na rin ng paglilinis ng kapulisan.

Sa ngayon, ani Major Cunanan, simula 2018, nasa 218 na mga pulis na ang natanggal o nakasuhan ng PNP-IMEG.

Samantala, idadaos ng PNP-IMEG ang pangalawang taon nang pagkakatatag ng PNP-IMEG.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.