PNP chief, umaasang ‘di mapupulitika ang vetting process sa mga nag-courtesy resignation na opisyal

PNP chief, umaasang ‘di mapupulitika ang vetting process sa mga nag-courtesy resignation na opisyal

UMAASA si PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na hindi mahahaluan ng pulitika ang “vetting process” ng 5-man committee sa mga full-pledge colonel at general na nagsumite ng courtesy resignation.

Ito ay kasunod ng pagtugon nila sa panawagan ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. bilang bahagi ng internal cleansing.

Ayon kay Azurin, nawa’y pananatilihin ng komite ang walang dungis na reputasyon at walang dudang integridad sa kanilang magiging rekomendasyon sa Pangulo na alisin sa pulisya.

Nasa kamay na aniya ng komite ang kanilang karera at reputasyon bilang mga tagapagpatupad ng batas.

Una nang pinangalanan ni Secretary Abalos si dating CIDG Director at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na bahagi ng 5-man committee na sasala sa mga opisyal ng PNP.

Follow SMNI News on Twitter