TILA hindi nagpapaapekto ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa mga isyung kinahaharap nito na may kaugnayan sa kampanya kontra ilegal na droga ng nakaraang administrasyon.
Ayon sa tagapagsalita ng PNP, PBGen. Jean Fajardo na nananatiling matatag ang kanilang hanay kasunod ng paglutang ng kontrobersiya kaugnay sa diumano’y pagpatay kay dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga at dating Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili na kapwa idinadawit ang pangalan sa isyu ng illegal drugs.
Si dating PCSO General Manager Royina Garma ang nagbunyag na nakipagpulong ang PNP Academy Class of 1996 at 1997 kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte bago ilunsad ang umano’y Davao model sa war on drugs kung saan, nakapaloob dito ang extrajudicial killings at reward system para sa mga pulis na kabilang sa mga anti-drug operations.
Pero nauna nang sinabi ng bagong DILG Chief Secretary Junvic Remulla na nananatiling inosente ang mga paratang ni Garma kay dating Pangulong Duterte hangga’t walang matibay na ebidensiya laban dito.