MANANATILING nakaalerto ang Philippine National Police (PNP) ngayong linggo lalo na’t inaasahang bibiyahe at magsibalikan na muli ang mga Pilipino sa kanilang trabaho lalo na sa Metro Manila matapos ang mahaba-habang holiday break.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, magpapatuloy ang ipinapatupad na security measures at maximum police visibility nitong holiday season.
Bilang paghahanda na rin anila ito sa gaganaping Traslacion 2024.
Si Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista, ipinag-utos na rin sa kanilang attached agencies ang sapat na seguridad sa lahat ng kanilang transportation hubs.
Maging ang Philippine Ports Authority (PPA), inaasahan nilang nasa dalawang milyon ang tutungo sa iba’t ibang pantalan sa bansa kung kaya’t nakaalerto na rin sila para dito.