ILALAGAY sa full alert status ang Philippine National Police (PNP) sa Disyembre 15, araw ng Huwebes.
Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., gagawin ang pagtataas ng alerto upang matiyak ang seguridad ngayong holiday season.
Ipakakalat aniya ang 192,000 pulis o 85 percent ng kanilang pwersa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Partikular na sa pampubliko at matataong lugar tulad ng mall, parke, paliparan, pantalan at terminal ng bus.
Pinapayuhan naman ang mga pulis na magkakaroon ng Christmas break na mag-report sa pinakamalapit na istasyon upang makadagdag sa kanilang pwersa.