PNP, hindi pa iimbestigahan ang paglabag sa quarantine protocol ni Sen. Koko Pimentel

WALA pang gagawing parallel investigation ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng sinasabing breach of protocols ni Senador Koko Pimentel.

Ito ay matapos magtungo sa Makati Medical Center (MMC) sa kabila ng pagiging positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, wala pa namang isinasampang reklamo ang nasabing ospital laban sa senador.

Iginiit naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na gagawa lamang sila ng aksyon kung mayroong pormal na reklamo kay Pimentel.

Una nang tinawag ng MMC na irresponsible at reckless ang pagpunta ng senador sa kanilang ospital at malinaw umanong paglabag sa home quarantine protocols

Kaugnay nito, sinserong humingi ng paumanhin si Koko Pimentel sa pamunuan ng MMC matapos nitong labagin ang safety protocol ng ospital patungkol sa COVID-19.

Sa isang pahayag, sinabi ni Pimentel na hindi naman niya intensyon na ilagay sa kapahamakan ang sinuman sa naturang ospital.

 “Once again, I would like to sincerely and profoundly apologize to the management and staff of the Makati Medical Center for this unfortunate incident. I never intended to do any harm to anyone.”

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.