HINDI suportado ng Philippine National Police (PNP) ang datos ng krimen sa Pilipinas sa ilalim ng listahan ng international magazine na Global Finance.
Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na tuloy-tuloy ang kanilang paglabas ng mga crime data statistics na kung saan nakikita ang pagbaba sa mga nagdaang taon.
“Our crime statistics does not jive with this ranking. Our partners in the media can prove this because we always release data on the crime situation in the country where we see a big decline. If we compare the number of index crimes in the first five years of this administration to the last or even the first five years of the previous administration, it declined by 63 percent nationwide,” ani PNP Chief Eleazar.
Gayunman, kinilala ni Eleazar na batay sa ulat, ang kapayapaan at kaayusan ay isa lamang sa mga kadahilanan sa pagraranggo ng mga bansa.
“Other factors include natural disasters and the actual effects of Covid-19 to the country. Nevertheless, we will take this as a challenge to do more in terms of further improving the peace and order and security in our country,” dagdag ng PNP Chief.
Dahil sa pandemya, simula nang mag-implement ng istriktong community quarantine ang Joint Task Force Covid Shield noong Marso 2020, ay nag-release sila ng mga datos upang maipakita ang isang makabuluhang pagbaba sa walong pokus na krimen- pagpatay, homicide, panggagahasa, pinsala sa katawan, nakawan, pagnanakaw, pagnanakaw ng kotse, at pagnanakaw ng motorsiklo.
Bumaba sa 50 porsyento ang krimen at 60 porsyento ng pagnanakaw at nakawan.
Batay naman sa pinakabagong report ng international monthly magazine na Global Finance, na ang Pilipinas ay nasa ranggo sa pinakahuling ligtas na bansa.
“Countries with serious civil conflict that have high risks from natural disaster such as the Philippines, Nigeria, Yemen, and El Salvador all reported relatively low death tolls from COVID-19, yet performed poorly in terms of safety overall,” ayon sa Global Finance.
Ayon naman kay PNP Chief Eleazar na maaring isa ang pagsabog ng Bulkang Taal at iba pang mga natural disaster na hindi na kontrolado pa ng gobyerno, ang dahilan kaya bumababa ang Pilipinas sa ranggo na ligtas na bansa sa mundo.