PNP, hinikayat si Bantag na ilatag sa tamang forum ang kanyang mga ebidensya

PNP, hinikayat si Bantag na ilatag sa tamang forum ang kanyang mga ebidensya

HINIHIKAYAT ng Philippine National Police (PNP) na dalhin ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag ang kanyang mga ebidensya sa tamang forum.

Ayon kay PNP spokesperson Jean Fajardo, sisilipin din naman nila ang sinabi at inilatag ni Bantag sa exclusive interview nito sa SMNI subalit ito nga at mas maganda kung nasa proper forum ito ilatag.

Sa interview sa SMNI, naibahagi ni Bantag na may iba pang high-ranking official na sangkot sa pagkamatay ni Lapid.

Aniya, ipinag-utos ni Justice Sec. Boying Remulla na kunin ang isang inmate na nasa ilalim ng witness protection program at ito na ang nakipag-ugnayan sa ibang key players ng Lapid case.

Wala pang personal na sagot si Remulla hinggil dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter