PNP, humiling ng respeto sa mga raliyista sa inagurasyon ni PBBM

PNP, humiling ng respeto sa mga raliyista sa inagurasyon ni PBBM

UMAASA ang Philippine National Police (PNP) na irerespeto ng mga magsasagawa ng kilos-protesta ang kanilang mandato na tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand” Bongbong “Marcos Jr. sa Hunyo 30.

Ito ay kasunod ng pagkilala ng pulisya sa karapatan ng mga indibidwal at grupo na magtipon at magpahayag ng kanilang saloobin sa iba’t ibang isyu.

Ayon kay PNP director for operations Police Major General Valeriano de Leon, hindi nila hahayaang gumawa ng gulo o abala ang mga magpo-protesta lalo’t nakatutok ang buong mundo sa nasabing aktibidad at naroon din ang delegasyon mula sa iba’t ibang bansa.

Sa katunayan, sinabi ni de Leon na ipakakalat nila ang Civil Disturbance Management Unit sa mga freedom park upang maiwasan ang mga magpoprotesta na umalis sa kanilang itinalagang lugar.

Una nang ipinag-utos ni PNP OIC Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. sa kanilang mga tauhan na ipatupad ang maximum tolerance upang matiyak ang seguridad ng inagurasyon ni President-elect Marcos.

Follow SMNI NEWS in Twitter