PNP, ilalagay sa full-alert status ang kanilang hanay para sa Undas

PNP, ilalagay sa full-alert status ang kanilang hanay para sa Undas

ILALAGAY sa full-alert status ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang hanay para sa paggunita ng Undas sa susunod na linggo.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na bilang general guidance sa Police Regional Offices at Units, pananatilihin nila ang seguridad ng mga uuwi sa probinsya upang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Kabilang sa babantayan ng PNP ang iba’t ibang ruta ng sasakyan, mga terminal, pampublikong sementeryo at iba pang lugar na dinadagsa ng publiko.

Pinayuhan din ni Azurin ang publiko na magkaroon ng special security arrangements sa barangay o kapitbahay upang mabantayan ang iiwanan nilang bahay sa panahon ng holiday.

Gayundin ang pagsunod sa minimum public health standards upang makaiwas sa COVID-19.

Follow SMNI NEWS in Twitter