INALERTO ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang hanay sa buong bansa laban sa posibleng pag-atake ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ito’y kasunod ng anibersaryo ng grupo bukas, Marso 29.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. posibleng magpakitang gilas ang New People’s Army (NPA) partikular na sa kanayunan.
Aniya, patuloy ang paggamit ng grupo ng ipinagbabawal na anti-personnel mines (APMs) na paglabag sa International Humanitarian Law.
Sa Masbate, halos 900 pulis ang ipinakalat sa mga eskuwelahan upang magbigay ng seguridad sa mga estudyante, guro at residente.