AABOT sa 113 ang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Agaton sa Eastern Visayas.
Ito ang inihayag ni Eastern Visayas Regional Police Spokesperson Police Colonel Ma. Bella Rentuaya.
Aniya, base sa consolidated partial report, aabot sa 113 ang nasawi: 81 sa Baybay City, 31 sa Abuyog at isa sa Motiong, Samar.
Ayon kay Rentuaya, nasa 89 na katawan ang nakilala habang 24 ang inaalam pa ang pagkakakilanlan.
Ang inulat ng PNP ay mas mataas kaysa sa inulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council.
Samantala, aabot sa 5 katao ang nadagdag sa listahan ng mga nawawala at 236 ang nasugatan sa Eastern Visayas.
Aabot naman sa 1,266 katao ang na-rescue ng Philippine National Police sa 23 operations na isinagawa sa rehiyon.
BASAHIN: Pagbibigay ng food at non-food items sa mga apektado ng Bagyong Agaton, tuloy-tuloy – DSWD