PANIWALANG-paniwala ang mga Pilipino sa mottong ‘To Serve and Protect’ ng Philippine National Police (PNP) hanggang sa nag-iba ang lahat sa ilalim ng rehimen ni Ferdinand Marcos Jr.
Ngayon, puro takot at pangamba na ang inihahasik ng mga pulis — lalo na sa mga taga-Davao City, ayon sa isang political commentator na si EB Jugalbot.
Aniya, tila isa nang private army ng rehimeng Marcos Jr. ang Pambansang Pulisya.
“The PNP now has become a private army of the Marcos Regime. Terror in the eyes ordinary Filipinos. Terror in the eyes of children. Terror in the eyes of women and senior citizens not even an elected-official, a barangay captain is permitted to check on his constituents. Talagang this is officially-sanctioned terrorism by the government itself,” ayon kay EB Jugalbot, Political Commentator, Writer.
Hugot ito ni Jugalbot sa sabay-sabay na pag-atake ng mga elite force ng PNP sa mga religious compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) noong June 10, 2024 sa Davao City at Sarangani Province – para magsilbi ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy at lima pang ibang akusado.
Ngunit hindi pa rito nagtapos ang bayolente at hindi makatarungang paglusob ng mga pulis.
Matapos ang halos dalawang buwan ay nakararanas pa rin ang mga misyonaryo ng KOJC ng panggigipit ng mga pulis suot ang kanilang full-battle suit na animo’y lulusob sa giyera, walang nameplate, at nagtatago ng kanilang mga mukha.
Rehimeng Marcos, ginagawang instrumento ng mga Amerikano vs Pastor Quiboloy—Political Commentator
Sa gitna ng lahat ng ito – nakikita ni Jugalbot na kinakasangkapan ng Estados Unidos ngayon ang rehimeng Marcos laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy na kilalang kaalyado ng mga Duterte – sa pamamagitan ng lantarang panggigipit ng mga ahensiya ng gobyerno sa butihing Pastor at sa KOJC.
“Makikita na natin, mapagtatagpi-tapi natin na mayroon talaga. The Americans are actually manipulating all the avenues of the government to persecute Pastor Quiboloy; you have the DOJ resurrecting a case against Pastor that was dismissed years ago in Davao City, filing it in a court which has no jurisdiction to the alleged crime. And then you have the Anti-Money Laundering Council supposedly acting on behalf of the American prosecutors when in fact there is no established request for extradition of Pastor Quiboloy for crimes he has been sued in America,” ani Jugalbot.
Ani Jugalbot, talagang kailangan ng Amerika ang mga Marcos upang mahawakan ang bansa at kailangan din naman aniya ng mga Marcos ang Amerika upang mabawi nito ang kanilang ill-gotten wealth na nasa Estados Unidos at iba pang bansa sa Europa.
“If you read all those articles in the dark web. Ang gusto ng mga Amerikano is a Marcos and a Marcos-sympathetic regime for over the next 18 years. Tatlong termino. Tatlong rehimen. So, it will be enough time for the Americans to really entrench themselves militarily dito sa Pilipinas and to give time to the Marcos to recover nga ‘yung ill-gotten wealth nila,” giit pa ni Jugalbot.
Binigyang-diin pa ni Jugalbot na malaki na ang itinaya ng Amerika sa Pilipinas sa usaping militar kaya hindi nito basta pakakawalan ang rehimeng Marcos.
Sa ilalim kasi ng abusadong gobyernong ito – naging madali sa mga Amerikano ang panghihimasok sa ating bansa, na hindi nagawa ng mga Kano noong administrasyon ni dating Pangulong Roa Rodrigo Duterte.
“Hindi na mapalitan ang rehimeng ito ni Marcor Jr. kasi ‘yung mga Amerikano, heavily invested na sa Pilipinas. They have already pre-positioned war materials. They have prepositioned US troops. They have four additional EDCA sites and 6 more that we do not know. Talagang invested na sila dito. Recently nga, pumunta dito si Austin at si Blinken reassuring, or asking reassurance sa Marcos regime because of the impending win of Trump in November na baka he will pull the plug on this strategy that the Americans’ military-industrial complex of the Americans are doing in the Philippines,” dagdag pa nito.
Samantala, matatandaan na una nang inihayag ni Pastor Apollo na nanganganib ang kaniyang buhay sa ilalim ng rehimeng Marcos dahil sa hayagang pangingialam ng mga Amerikano na planong magsagawa ng extraordinary rendition o assassination kapalit ng USD2-M bounty.
Ayon din sa iba pang political analysts, ang panggigipit kay Pastor Apollo ay dahil sa pagiging malapit niyang kaibigan ng mga Duterte.