PNP, kailangan ng karagdagang pondo para sa body-worn cameras

PNP, kailangan ng karagdagang pondo para sa body-worn cameras

NANGANGAILANGAN ang Philippine National Police (PNP) ng karagdagang pondo para mabigyan ng body-worn cameras (BWC) ang lahat ng pulis sa buong bansa.

Ito ay upang matiyak ang tagumpay ng anti-illegal drugs at anti-criminality campaign.

Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., hindi sapat ang P2-B kada taon na ibinibigay ng Kongreso para sa kanilang Capability Enhancement Program (CEP).

Paliwanag ni Azurin, nasa top priority ng PNP ang mga sasakyan at baril habang third priority ang body-worn cameras na inoobliga sa kanila ng batas na gamitin sa tuwing magkakaroon ng operasyon.

Nangunguna ang Metro Manila at Cebu sa mga nabigyan ng body-worn cameras ng PNP habang ang ibang lugar ay ginagamit muna ang kanilang cellphone sa police operation.

 

Follow SMNI News on Twitter