PNP, kinondena ang panunutok ng baril ng isang dating pulis sa isang siklista sa QC

PNP, kinondena ang panunutok ng baril ng isang dating pulis sa isang siklista sa QC

MARIING kinondena ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang ginawang pagbabanta at paggamit ng baril ng isang dating pulis laban sa isang walang kalaban-labang siklista na nakasagi ng sasakyan nito.

Sa panayam ng SMNI kay PNP PIO chief PBGen. Redrico Maranan, sinabi nitong hindi katanggap-tanggap ang ginawang ito ng ex-police officer na kinilalang si Willie Gonzales na kasalukuyan ding opisyal ng Quezon City government.

Giit pa ni Maranan, hindi dapat na ginagamit ang baril lalo na sa mga iresponsableng mga tao.

Dapat isipin aniya ng mga gun owners na isang pribilehiyo lamang ang pagmamay-ari ng baril at hindi para gamitin sa pang-aapi o pang-aabuso sa sinuman.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng PNP ang posibleng reklamo laban kay Gonzales depende kung ano ang kalalabasan ng kanilang dagdag na pagsisiyasat sa nasabing insidente.

Taong 2018 nang ma-dismiss sa serbisyo sa PNP si Gonzales bilang dating miyembro ng Criminal Investigation Unit ng QCPD.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble