ASAHAN ang balasahan sa ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa mga susunod na araw.
Ito ang inihayag ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. matapos magretiro sa serbisyo si PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General Jose Chiquito Malayo.
Ayon kay Azurin, tatlong pangalan ang inirekomenda niya sa National Police Commission (NAPOLCOM) para maging number 2 ang PNP.
Kabilang dito sina Area Police Command Visayas commander Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, PNP deputy chief for operations Police Major General Benjamin Santos at Chief Directorial Staff Police Major General Arthur Bisnar.
Sa ngayon, si Sermonia ang itinalagang officer-in-charge ng tanggapan ng The Deputy Chief for Administration (TDCA) ng PNP.