PNP, makikiisa sa pagtitipid ng tubig ngayong may El Niño

PNP, makikiisa sa pagtitipid ng tubig ngayong may El Niño

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na may gagawin silang hakbang upang mapaghandaan ang El Niño phenomenon.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. na mahigpit nilang ipatutupad ang pagtitipid sa paggamit ng tubig at kuryente sa lahat ng kampo ng pulisya.

Bahagi ito ng pakikiisa ng PNP sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na magtipid ng tubig lalo’t pinangangambahan ang unti-unting pagbaba ng water level sa dam.

Nabatid na inatasan ang mga ahensiya ng gobyerno na mabawasan ng 10 porsiyento ang konsumo nila sa tubig.

Samantala, pinagtitipid na rin ng Water Resources Management Office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga residente ng National Capital Region (NCR) at kalapit na lalawigan.

Hinikayat ang publiko na ipunin ang tubig-ulan at gamitin ang pinagbanlawang tubig sa pagdidilig ng mga halaman.

Habang pinaaayos din ang mga sirang pipeline upang hindi maaksaya ang tumadaloy na tubig.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter