PNP may babala sa mga gagamit ng kanilang uniporme na walang awtoridad

PNP may babala sa mga gagamit ng kanilang uniporme na walang awtoridad

NAGBABALA ang Philippine National Police (PNP) na mahaharap sa kaso ang sinumang gagamit ng kanilang uniporme ng walang pahintulot o awtoridad.

Ito’y matapos maiulat na may isang indibidwal ang gumamit ng SAF Uniform sa isang Christmas Party ng isang kompanya ng sasakyan.

Ayon kay PNP Spokesperson Jean Fajardo, agad nilang paiimbestigahan ang report kasabay ng pagkakaso sa tao na maaaring makulong hanggang 6 na buwan.

Pero nito lamang nakaraang Setyembre nang lusubin ng mga pulis ang KOJC sa Davao kung saan napansin ang ilang hindi indibidwal na nagsuot ng police uniform na hindi awtorisado pero wala namang kasong isinampa laban dito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter