MALINAW ang naging paglabag ng Philippine National Police (PNP) sa ginawa nitong marahas na pagsilbi ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) noong June 10, 2024.
Ito’y matapos na ipakita ng KOJC ang mga kuhang video sa mga agresibo at mapangahas na operasyon ng mga operatiba ng PNP Special Action Force at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa paglusob nito sa mga religious compound ng KOJC nang sabay-sabay.
Ayon sa KOJC legal counsel na si Atty. Israelito Torreon, malinaw na paglabag sa ilalim ng Rule 113 ng Revised Rules of Court ang ginawang aksiyon ng mga armadong kapulisan sa pagsisilbi ng warrant of arrest.
Bagay na sinang-ayunan din ni Sen. Bato dela Rosa.
“It was clear that 3:59 am they just immediately placed ladders therein and entering, breaching the walls of the KOJC. That is a violation of the Rule 113 of Section 11,” pahayag ni Atty. Israelito Torreon, Legal Counsel, KOJC.
“Not only in the warrant of arrest but also, search warrant, kailangan magpaalam ka sa may-ari ng isang pamamahay,” ayon naman kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
“Yes your honor, that’s Rule 126 of Section 7. Rule 113 of Section 11 in so far warrant of arrest is concerned, Rule 126 Section 7 search warrant is concerned, both requires prior consent before breaking in closure, or building your honor,” ayon pa kay Atty. Torreon.
Ilan lamang ito sa mga nabigyan ng linaw sa kauna-unahang pagdinig ng Senado sa marahas na paglusob ng kapulisan sa mga religious compound ng KOJC.
Magugunita na umani ng pagkondena mula sa iba’t ibang personalidad ang naging aksiyon ng kapulisan kung saan itinuring pa itong “Day of Infamy” ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.