PNP, may paalala sa mga kandidato sa pagsasagawa ng aktibidad

PNP, may paalala sa mga kandidato sa pagsasagawa ng aktibidad

DAPAT na magkaroon ng koordinasyon ang mga kandidato sa pagsasagawa ng aktibidad upang mabigyan ng seguridad.

Ito ang paalala ni PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Alba, kasunod ng shooting incident sa isang pagtitipon ng mga katutubo kasama ang presidential candidate na si Ka Leody De Guzman sa pribadong plantasyon sa Quezon, Bukidnon.

Ayon kay Alba, masyado pang maaga para masabi na election-related ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, isa ang nasugatan matapos tamaan ng bala sa kanang paa.

Wala aniyang “proper coordination” ang grupo ni De Guzman sa pagpunta sa lugar na may nakabinbing kaso sa korte.

Kasabay nito, tiniyak ni Alba na magsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

BASAHIN: Pagkakaaresto sa high ranking officials ng CPP-NPA-NDF, pinuri ng PNP Chief

Follow SMNI NEWS in Twitter