MAYROON nang person of interest ang Philippine National Police (PNP) sa pagkamatay ng 15 taong gulang na si Princess Marie Dumantay sa Bulacan.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, madalas na kasama ni Dumantay ang person of interest kapag nagbibisikleta sa Quezon City.
Kinukumpleto na lamang ang mga kinakailangang dokumento upang masampahan ng reklamo ang natukoy na person of interest sa krimen.
Hinihintay rin ng PNP ang resulta ng pagsusuri sa katawan ni Dumantay upang matukoy kung ito ay naabuso.
Natagpuang patay si Dumantay sa Bustos, Bulacan, noong Agosto 12, kung saan nagtamo ito ng paso ng sigarilyo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.